Dear boys: Tips and Tricks pag ang type n’yong chix ay NBSB. (Written by an NBSB as inspired by fellow NBSB.)

2

May 10, 2017 by hallyrh

Mahirap mga besh. Matindi ang trust issues eh. Charing.

Just to clarify, ang post na ito ay dedicated sa friend kong kapwa ko din NBSB. Kilala mo na kung sino ka ‘day. Yung kwento mo ang dahilan kaya ako napasulat ngayong gabi. Tas tagalog para intense, haha.

Una sa lahat, pag type n’yo si Ateng NBSB kasi cute s’ya, and/or matalino sya, and/or nakakatuwa sya, WARNING: TREAD SLOWLY. Wag swag. 

Ang mindset ng NBSB, gaya ng mindset ng majority ng mga babae sa buong mundo, karamihan ng lalaki = bolero. Remember: may mga kaibigan ang mga NBSB na hindi NBSB. May mga kaibigan silang sindami ng mga bituin sa langit (parang si Abraham lang) ang mga naging jowa, at narinig na nila lahat ng horror stories na pwedeng marinig.

So ang gagawin ng NBSB, gagawa ng pader. Mataas tapos makapal para hindi matibag agad, lalo na ng mga pa-swag-swag, o kaya yung mga poging pa-good boy pero in reality pakboy naman.

Basta pag kunyari, inapproach ang NBSB sa chat apps, kalma lang. Wag gamitan ng mga linya – naku besh. Alam na alam na yan. Pucha pless wag ring pa-cute. Wag na mag-ingles-ingles kung aminadong hirap. Mamaya ma-wrong grammar pa. Oshiiiiit! Dyahe.

(Daming bawal. So sign language na lang? Haha.)

Baka naman pwedeng yung normal na friendly lang! Yung walang undertones. Sabagay, kahit ano naman yatang approach, guarded agad ang NBSB eh. Pero less guarded siguro kung kalma lang ang approach. Or may humor! Ice breaker ang humor.

Real time, non-pabebe reactions ng karamihan ng mga NBSB pag may biglaang nag-message or nagparamdam sa kanila through chat apps:

“HALA.”

“Ba’t kaya?”

(Seen.)

“Hala baka pagtitripan ako nito.”

“Gago ‘to ah. Ako pa ah.”

Wag kayo magalit guys. Wag kayong mao-offend kung medyo balasubas ang mga reply, kung may reply man. Or kaya one-word antipatika-type yung mga sagot. Hindi yun sa nambibitch or nagmamaganda. Sadyang wala lang kasanayan ang mga kapatid kong NBSB na biglaang may pumapansin sa kanila, sa kalsada man o sa mga chat apps.

Tapos pag chinaga nio lang and type nio tlaga si Bb. NBSB, masasanay na yan sa inyo. Matagal nga lang. Maraming arte eh. Maraming iniisip, maraming mga kinatatakutan.

Wag pairalan ng sapilitan. Wag kulitin. Wag bwisitin ang NBSB. I-expect na friend zone lang muna talaga ang kalalagyan. Kasi, pag nabwisit si Ms. NBSB, hindi na kayo aalis dun, haha.

Imagine nio naman. Ilang years naman silang walang bowa tapos all of a sudden eto kayo. Usually hindi nila alam ang gagawin. Mahihiya sila. Maiilang. Mag-o-overthink. Alam naman nilang nakakabwisit ang ugali nila so hindi rin naman sila umaasa na tatagal kayo.

The key is: tiyaga. Pag-intindi. Maraming prinsipyo ang NBSB. Dahil hindi makulay ang lovelife nila, ire-revert nila ang attention nila sa ibang bagay: career, mostly. Yung iba magse-set pa ng edad kung kailan sila magjojowa. Sobrang daming pasubali. Ang daming kondisyon. Maraming sini-set na parameters. Itataas ang sarili to the point na pahihirapan kayong umabot. Kakayanin nio ba? Kailangan talaga may strategy mga sir. Kailangan desidido at masigasig.

Kung talagang trip nio si Ms. NBSB, wag n’yo s’yang bigyan ng dahilan para magduda. Kahit nga hindi NBSB eh, basta mga babae in general. Pero special case ang NBSB dahil nga napakataas ng mga pader na nakapaligid sa kanila, wala pa silang experience, at napakarami nilang takot.

Therefore, kung alam n’yo naman na baback down kayo at hindi n’yo sila kakayanin hintayin or panindigan, wag n’yo nang patagalin. Pless. Stahp ett. Wag n’yo na sila sanayin sa presensya n’yo, only to let them down in the end.

Konting pasensya lang. Naliligaw din kasi sila, hindi nila alam kung ano bang balak ninyo. Wala naman silang pagbabasehan na previous experience. Be clear with your intentions, be firm, pero wag MAKULIT. Ipakita na nandun kayo always. Be sweet pero wag OVER — pero ewan ko rin, kasi sa iba effective yung mga pasweet na stratehiya eh. Pakiramdaman na lang siguro si Ateng NBSB.

Tingin ko effective din ang humor para light! Basta light lang pfho0w. Wag masyadong intense, tropa-tropa lang, diba. At least, hindi man mag work out, you won a friend. Win-win pa rin naman kahit pa’no. 

To review: tyaga, sigasig, sinseridad, kakalmahan, tapos humor para komportable. Kaya naman diba? Worth it naman. Sabi nga ng friend kong may pinagdadaanan: “Kahintay-hintay naman ako ah.”

Oo naman besh. Kapag napasagot nila ang NBSB, parang kind of honor din yun di ba. Imagine: ipinagkakatiwala sa’yo ng NBSB ang lahat ng firsts nia na ang tagal-tagal n’yang inirereserve. Kinonquer n’ya ang takot at mga agam-agam n’ya sa buhay dahil gusto n’ya nang i-grab ang chance na magmahal at magbigay. FOR THE FIRST TIME EVER, tapos SA’YO YUN BRUH. Ang laki ng pasalamat n’ya sa’yo pag nagkatuluyan kayo kasi napagtyagaan mo yung mga kupal moods n’ya, mga prinsipyo n’ya, mga sitwasyon n’yang paayaw-ayaw-pero-gusto-naman-pala-deep-inside. Napatunayan mo na hindi ka pala tulad ng ibang lalaki na pwehlecheangdamimongarteBABU. Napatunayan mo na may lalaki naman pala na handa s’yang hintayin kahit ano pang sapi ang meron s’ya, na totoo pala yun, na may ganun pala talaga sa tunay na buhay and hindi lang sa mga KDrama or romcoms ng Star Cinema.

In return heto ang presh na presh na pag-ibig mula sa puso ng isang presh na presh na NBSB.

O diba kahintay-hintay naman?

(Pota naging parang Papa Jack na ‘tong blag ko.)

Good night guys.

Advertisements

2 thoughts on “Dear boys: Tips and Tricks pag ang type n’yong chix ay NBSB. (Written by an NBSB as inspired by fellow NBSB.)

  1. jill cordova says:

    love this ❤️❤️ very well said..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

Excuse My Face.

I'm not lost but I haven't been found either.

May 2017
M T W T F S S
« Apr   Jun »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Read a Book Today

%d bloggers like this: